^

Metro

Factory tupok sa Valenzuela

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naabo ang isang garment factory sa sunog na lumamon dito kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Ayon sa report ng Valenzuela City Fire Department, alas-7:00 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa Mega Fields Garments na nasa Industrial Road, panulukan ng San Francisco St., Brgy. Karuhatan.

Ayon kay Alan Alvarez, isa sa mga em­pleyado, nakita na lamang niya ang pagsiklab ng apoy kaya agad siyang bumaba sa unang palapag para patayin ang main switch.

Ngunit hindi na siya nakabalik pa sa ikalawang palapag dahil sa mabilis umanong paglaki ng apoy.

Agad na nilisan ng mga stay-in na em­pleyado ang naturang garment factory at karamihan sa mga ito’y walang naisalbang gamit. Alas-8:33 na ng umag­a nang maapula ang apoy.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente at inaalam na ang kabuuang halaga ng napinsala at ang sanhi ng sunog.

ALAN ALVAREZ

AYON

BRGY

INDUSTRIAL ROAD

KARUHATAN

MEGA FIELDS GARMENTS

SAN FRANCISCO ST.

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY FIRE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with