^

Pawnshop nilooban: P2-M alahas at pera tangay

Ricky Tulipat with Ella Mae Nuyles (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nalimas ang mahigit sa dalawang milyong halaga ng mga alahas at cash ng isang pawnshop matapos na pasukin ng mga kawatan sa pamamagitan ng paggiba sa dingding ng nasabing establisyimento sa lungsod Quezon.

Ang vault ng isang branch ng VY Domingo Pawnshop sa Barangay Greater Lagro ay winasak din ng mga magna­nakaw gamit ang acetylene.

Ang pagnanakaw ay na­diskubre alas-4:20 ng umaga­ sa nasabing establisi­mento na matatagpuan sa Quirino Highway, 10 oras ma­tapos na magsara ito noong Sabado.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, ang natangay na halaga ng mga alahas ay nagkakahalaga ng P2,364,100 habang P22,460 naman ang halaga ng cash.

Bago ang insidente, alas-6 ng gabi nang isara ng branch manager na si There­sita Garzon, 40 at kanyang mga kawani ang shop.

Gayunman, tumunog ang alarma alas-4:20 ng madaling araw sanhi para dumating ang mga awtoridad at security guard ng shop sa lugar.

Nang sumilip sa de-rol­yong pintuan ay nakita nila ang ilang damit at sako ng bigas sa glass counter.

Kasama ang ilang kawani ng shop, binuksan ng mga awtoridad ang gusali at nadiskubre na ang vault nawasak at wala na ang mga nasabing items.

Bahagyang nabutas ang dingding ng shop dahil sa ginawang butas ng mga suspek kung saan sila dumaan saka sinira ang surveillance camera at lock ng pinto, bago tuluyang tumakas bitbit ang mga ninakaw.

 

AYON BAHAGYANG BARANGAY GREATER LAGRO DOMINGO PAWNSHOP GARZON PASCUAL FABREAG QUIRINO HIGHWAY SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with