Pulis, city hall employees, senior citizen libre sa X-ray, operasyon
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Maaari nang  maibsan ang pangamba ng mga pulis, city hall employees, se­nior citizen at iba pa sa kanilang gastusin sa  pagpapa ospital  kung agad na maipapasa ang ordinansa  na inakda nina  Vice Mayor Isko Moreno; 2nd District Councilor Marlon Lacson; 3rd District Councilors Joel Chua, Bernardito Ang at Ernesto Isip at 4th District Councilor Edward Maceda.

Ang nasabing ordinansa ay naglalayong mabigyan ng libreng medical care ang lahat ng senior citizen, uniformed at non-uniformed personnel ng Ma­nila Police District, lahat ng city hall employees, barangay officials kabilang na ang  barangay treasurer, secretary, tanod at miyembro ng lupong tagapamayapa at maging ang mga legal na inaresto ng mga awtoridad.

Sa ilalim ng ordinansa, dapat na mabigyan ng lib­reng medical care ang mga na­banggit na individual  na residente ng  Maynila.

Sakop ng  free medical care ang medical check up, professional fees, subsistence, gamot, X-ray, ope­rasyon at gastusin, laboratory fees at iba pang  hospital expenses.

Malaking tulong din anila na malibre ang mga  Manilenyo sa mga gastusin lalo na sa pagpapagamot at pagpapaospital.

Iba pa anila dito ang  mga gumagamit ng  orange card na inisyu ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga pinakamahirap na resi­dente ng lungsod.

Ilan din sa mga konsehal na co-authors ng ordinansa sina Councilors Re Fugoso, Manuel Zarcal, DJ Bagatsing, Anton Capis­trano, Joel Par, Cristina Isip, Beth Rivera at Raymundo Yupangco, John Marvin Nieto, Ernesto Dionisio, Jr., Casimiro Sison, Eric Ian Nieva, Dennis Alcoreza, Prin­cess Marie Abante, Jo­celyn Quintos, Ruben Buenaventura, Salvador Philip Lacuna, Roberto Ortega, Jr., Ramon Robles, Rolando Valeriano, Irma Alfonso, Arlene Chua, Numero Lim at  Leilani Marie Lacuna.

Matatandaan na inihain naman kamakailan ni 6th District Councilor Joel Par  ang  paglilibre sa mga pulis at barangay officials sa pagbabayad ng medical check up ng mga naaarestong cri­minal.

 

ANTON CAPIS ARLENE CHUA BERNARDITO ANG BETH RIVERA CASIMIRO SISON COUNCILORS RE FUGOSO SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with