_ngayon
^

Metro

1 sa 7 suspek sa Ortigas call center gang rape tiklo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahuli na kagabi ang isang sa pitong lalaki na sangkot sa umano'y panggagahasa sa isang nars sa loob ng call center sa Pasig City, mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Kinilala ni acting director Chief Superintendent Benjamin Magalong ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang suspek na si Harold Gaufo.

Nasakote si Gaufo kagabi sa Plaza D Northgate Cyberzone sa Filinvest Corporate City sa Muntinlupa City.

Dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Elisa Sarmiento-Flores ng City Regional Trial Court Branch 71.

Nahaharap si Gaufo at ang kanyang mga kasamahan sa kasong rape.

Nangyari ang insidente noong Disyembre 31, 2012 sa loob ng isang call center office sa Ortigas Center.

Natutulog ang 27-anyos na biktima sa opisina nang gahasain ng pitong suspek.

Pinaghahahanap pa rin ng mga awtoridad ang kasamahan ni Gaufo.

CHIEF SUPERINTENDENT BENJAMIN MAGALONG CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP FILINVEST CORPORATE CITY GAUFO HAROLD GAUFO JUDGE ELISA SARMIENTO-FLORES MUNTINLUPA CITY ORTIGAS CENTER PASIG CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with