Lola patay sa sunog sa QC
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2014 - 4:30pm

MANILA, Philippines – Isang matandang babae ang utas, habang isang lalaki naman ang sugatan sa sunog sa isang informal community sa lungsod ng Quezon ngayong Martes.

Nakilala ang biktimang si Imperatres Pagunsan, 67, at ang nasaktang si Jason Andrada.

Pagka-suffocate ang ikinasawi ni Andrada, habang nagtamo ng sunog sa katawan si Andrada.

Napag-alamanang nagsimula ang sunog sa bahay ni Marissa Inton sa kalye ng Isidora sa Barangay Holy Spirit bandang ala-una ng hapon.

Aabot sa 30 bahay ang tinupok ng apoy na tumagal ng higit isang oras.

Naapula ng mga bumbero ang sunog bandang 2:10 ng hapon.

Hinala ng mga imbestigador ay ilegal na koneksyon ng kuryente ang sanhi ng sunog.

AABOT ANDRADA BARANGAY HOLY SPIRIT HINALA IMPERATRES PAGUNSAN ISANG ISIDORA JASON ANDRADA MARISSA INTON NAAPULA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with