^

Metro

Kelot nagtangkang manunog, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak sa kulungan ang isang lalaki na nagtangkang sunugin ang sariling bahay at maghuramentado sa kanilang lugar dahil umano sa hinagpis sa pag-iwan sa kanya ng nobya, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa attempted arson at alarm and scandal ang suspek na nakilalang si Zaldy De Guzman, 32, ng Daang Bakal, 8th Avenue, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Police, dakong alas-8 ng umaga, nasa impluwensya umano ng iligal na droga ang suspek nang hagisan ng kerosene ang kanyang bahay at akmang sisindihan na ito nang maagapan ng mga ka­anak at mailabas sa bahay.

Ngunit nagpatuloy sa pagwawala ang suspek na kumuha pa ng dalawang patalim at nanghabol ng saksak sa kanilang lugar.  Rumesponde naman sa lugar­ ang mga barangay tanod na nagawang ma­lansi ang suspek at ma­agaw ang mga patalim matapos na magpambuno.

Nabatid na dating tahimik naman umano si De Guzman at nag-umpisa lamang malulong sa iligal na droga at mag-iba ang ugali nang iwan ito ng nobya na nagtrabaho sa ibang bansa dalawang buwan na ang nakalilipas.

BAGSAK

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

DAANG BAKAL

DE GUZMAN

NABATID

NAHAHARAP

NGUNIT

ZALDY DE GUZMAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with