^

Metro

Labanan ng Bilibid gang: 1 todas, 1 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang preso habang malubhang nasugatan ang isa pa matapos magpang-abot ang dalawang gang sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival  sa NBP Hospital ang inmate na si George Almo, miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gang’, nasintensiyahan sa kasong murder sanhi ng isang saksak sa katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa nabanggit pa ring ospital ang isa pang preso na si Nolpi Ladiao, miyembro naman ng ‘Batang City Jail’ (BCJ), sentensiyado sa kasong attempted rape at homicide,  sanhi ng tinamong isa ring saksak sa katawan.

Base sa report na natanggap ni NBP Supt. Fajardo Lasangan, naganap ang unang  insidente ng pananaksak alas-8:15 ng umaga sa basketball court ng maximum security compound ng nasabing piitan.

Naglalaro ng basketball ang grupo ng BCJ nang bilang lumapit ang isang miyembro ng Sputnik  na nakilalang si Enrico De Asis at bigla na lamang nitong sinaksak si Ladiao sa hindi mabatid na dahilan.

Makalipas ang kalahating oras, alas-8:45 ng umaga habang papunta naman sa chapel sa loob pa rin ng maximum security compound si Almo ay bigla rin itong sinaksak ng hindi pa nakikilalang bilanggo.

Kaagad na isinugod ang mga biktima sa nabanggit na ospital, subalit hindi na ito umabot pa ng buhay

Sinabi ni Lasangan, nagpatupad na sila ng padlock policy sa loob ng NBP sa lahat ng bilanggo upang hindi na muling maulit ang insidente.

Sinabi pa ng opisyal na kasalukuyan na nilang nire-review ang kuha ng close circuit television (CCTV) footage upang alamin kung sino ang may kagagawan ng pana­naksak kay Almo at ang naganap na kaguluhan sa basketball court.

Aniya patuloy pa rin nilang iniimbestigahan ang insidente at maging si Asis ay pansamantalang hiniwalay muna sa kulungan upang imbestigahan kaugnay sa ginawa nitong pananaksak kay Ladiao.

Masusi namang pinaiimbestigahan ni DOJ Secretary Leila de Lima ang naturang insidente, maging kung papaanong na­ipupuslit ang mga patalim sa loob ng nasabing piitan.

vuukle comment

ALMO

BATANG CITY JAIL

ENRICO DE ASIS

FAJARDO LASANGAN

GEORGE ALMO

LADIAO

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

NOLPI LADIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with