^

Pinoy inaresto sa pagpatay sa Saudi

Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang Pinoy ang inaresto sa Saudi Arabia dahil sa umano’y pagpatay sa kanyang Saudi sponsor noong nakalipas na linggo.

Sa ulat ng Arab News, ang nasabing Pinoy na hindi binanggit ang pakakakilanlan at nagtatrabaho bilang isang driver ay dinakip ng Riyadh Police matapos ang umano’y pagpatay sa isang 56-anyos na Saudi national dakong alas-4 ng hapon noong Disyembre 29.

Ayon sa report, mabilis na tumakas ang nasabing Pinoy driver matapos ang krimen subalit agad din siyang nasukol ng mga security officers ng Sulaimaniya Police sa Riyadh pagkaraan ang ilang oras.

Sa inisyal na pasisiyasat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may alitan umano ang biktima at ang nasabing Pinoy na siyang sinisilip na motibo ng pamamaslang.

Kinukumpirma na ng Department of Forein, Affairs ang ulat at ang pakakakilanlan ng Pinoy upang mabigyan siya ng kaukulang tulong.

 

ARAB NEWS AYON DEPARTMENT OF FOREIN DISYEMBRE ISANG PINOY KINUKUMPIRMA PINOY RIYADH POLICE SAUDI ARABIA SULAIMANIYA POLICE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with