^

Metro

2 taxi driver magkasunod na hinoldap

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang taxi driver ang magkasunod na hinoldap ng dalawang lalaki na nagpanggap na pasahero na bukod sa kinuha ang kanilang mga kita ay tinangay din ang kanilang  pinasada sa lungsod Quezon,  kahapon.

Sa ulat ng QCPD- Station 10, ang mga biktima ay nakilalang sina Alberto Robina, 38, driver ng Toyota Corolla “Alta” taxi (TWS-955)  at Eric Layos, 43, driver ng Toyota Corolla “Sturdy taxi” (TWN-428).

Ayon sa pagsisiyasat, unang biniktima si Robina sa may kahabaan ng 20th Avenue, Kamuning, ganap na alas -3 ng madaling-araw.

Diumano, sumakay ang mga suspek sa Fairview at nagpahatid sa Kamuning. Pagsapit sa naturang lugar ay nagdeklara ng holdap sabay banta sa biktima ng “wag ka nang papalag” habang nakatutok ang patalim sa kanyang leeg. 

Kasunod nito, kinuha ng mga suspek ang kinitang P300 ni Robina saka pinalipat ito sa backseat habang isa sa  mga suspek ang nagmaneho ng taksi.

Makalipas ang ilang minuto, puwersahang pinagta­tadyakan pababa ng mga suspek ang biktima, saka tinangay ang kanyang taksi.

Samantala, makalipas ang alas-4:30 ng madaling-araw ay muling umatake ang mga suspek at sinunod na hinoldap ang biktimang si  Layos, driver ng Sturdy taxi.

Sabi ni Layos, sumakay umano ang mga suspek sa 20th Avenue, at nagpahatid sa may Kamuning. Pagsapit sa Kamuning, corner Judge Jimenez, ay bigla umanong nagdeklara ang mga ito ng holdap.

Tulad ng unang biktima, sinabihan din si Layos ng mga suspek ng katagang “wag ka nang papalag” habang nakatutok ang patalim sa kanyang leeg.

Matapos ito ay nilimas ng mga suspek ang perang P3,200 na kita ng biktima, saka inagaw sa huli ang manibela at pinaandar ito. Ilang sandali, puwersahang pinababa ng mga suspek si Layos at itinakas ang kanyang sasakyan.

Dahil ang pangyayari ay naganap sakop ng Police Station 10, nagkita ang dalawang biktima sa nasabing istasyon kung saan sila kapwa nagreklamo.

Sa pamamagitan ng rogue galary natukoy ng mga biktima ang isa sa dalawang suspek ay kinilalang si Celino Mamuco, alyas Nilo na dati nang naaresto dahil sa panghoholdap.

Samantala, alas-7:30 ng umaga ay napaulat na narekober na ng awtoridad ang Alta taxi sa may kahabaan ng 20th Avenue­ matapos iwan ng nasabing mga suspek.

vuukle comment

ALBERTO ROBINA

ALTA

BIKTIMA

CELINO MAMUCO

KAMUNING

LAYOS

SUSPEK

TOYOTA COROLLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with