^

Metro

Motorsiklo salpok sa kotse: 1 patay, angkas sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider habang malubhang nasugatan naman ang angkas nitong live-in partner makaraang banggain ng isang kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

 Hindi na umabot pang buhay sa Pasay City General Hospital ang 40-anyos na si Wilfredo Sialongo, ng Savas St., Access Road, ng naturang lungsod.  Nakaratay at inoobserbahan naman sa ospital ang angkas nitong si Janeth Pitubu, 34-anyos.

Agad naman sumuko sa mga nagrespondeng pulis ang driver ng Mazda 3 (ZTJ-733) na si Jestoni Bolilia, 23, ng Tangob Padre Garcia, Ba­tangas.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation Detective Management Section ng Pasay City Police, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng West Service Road nang nasabing lungsod.

Galing ang dalawang biktima sa South Superhighway lulan ng isang Kawasaki Fury motorcycle (RA-1280) at kaliliko lang sa West Service Road nang bigla umanong sinalubong ng kotse na minamaneho ni Bolilia at diretsong nasagi ang tagiliran ng motorsiklo.

Nawalan naman ng kontrol sa motorsiklo si Sialongo hanggang sa sumemplang at sumalpok ang ulo nito sa semento habang naipit rin ng motor ang angkas na babae.

 

ACCESS ROAD

JANETH PITUBU

JESTONI BOLILIA

KAWASAKI FURY

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

SAVAS ST.

SOUTH SUPERHIGHWAY

WEST SERVICE ROAD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with