^

Metro

1 pang ginang nanganak sa LRT

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa pang ginang ang na­nganak sa loob ng isang tren ng Light Rail Transit Autho­rity (Line 1) sa pagitan ng is­tasyon­ ng Carriedo at Doroteo Jose sa Maynila kahapon ng umaga­.

Nasa ligtas na kalagayan na ngayon ang  si Darlene Idio, 35-anyos, taga-Las Piñas City at ang lalaking sanggol nito sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay LRTA Spokesman Atty. Hernando Cabrera, sumakay sa may Baclaran station si Idio kasama ang mister upang magtungo sa naturang pagamutan dahil sa paghilab ng tiyan. Tinulungan naman umano ng mga guwardiya si Idio nang mapansin na iika-ika na sa paglalakad.

Nang makalagpas sa Carriedo Station, dito na pumutok ang panubigan ni Idio at tuluyang napaanak. Agad namang tinulungan ang ginang ng nurse na si Maria Cecilia Lopez na nagkataon na kasama sa tren ni Idio at ng guwardiyang si Michelle Manansala.

Pagsapit sa may D. Jose Station, sinalubong na ng ibang empleyado ng LRTA ang ginang at  dinala sa pa­gamutan.

Ayon kay Cabrera, maraming beses nang may mga nanganak sa kanilang mga tren dahil sa nasa ruta nila ang mga pangunahing pampublikong pagamutan sa Maynila at pinakamabilis ang LRT para makatungo dito.  Pinakahuling nanganak noong Setyembre 13, 2012 ang ginang na si Anita Paz.

vuukle comment

ANITA PAZ

AYON

CARRIEDO STATION

DARLENE IDIO

DOROTEO JOSE

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

HERNANDO CABRERA

IDIO

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with