Shootout: Holdaper utas, 1 pa sugatan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakipagbarilan sa mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District-Station 9 ang dalawang hinihinalang holdaper  na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng kasama nito sa Malate, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang suspect na kinilalang si Jimboy Abadami, ng Sta. Barbara, Zamboanga City  habang nakaratay ngayon sa Ospital ng Maynila ang kasamahan nitong si Lando Lim, 29, ng  Malate, Maynila.

Isa pang kasamahan ng mga suspect ang tinutugis matapos na tumakas habang nagaganap ang engkuwentro.

Sa ulat ni SPO2 Ramir Dimagiba ng MPD-Homicide Section, dakong alas-7:43 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa Paraiso ng Batang Maynila sa Quirino Avenue, Malate, Maynila.

Bago ang insidente,  dumulog sa MPD-Station 9  ang isang Marvin Blando, 36, binata ng Leveriza, Pasay City kaugnay sa panghoholdap sa kaniya ng tatlong lalaki kung saan natangay ang kanyang Silver necklace (P1,500); cell phone (P9,000) at P1,500 cash.

Sinamahan umano nina SPO1 Luis Rufo at PO1 Paul Bermudez, kapwa nakatalaga sa MPD-Station 9 ang biktima sa lugar kung saan siya hinoldap at pagdating malapit sa Paraiso ng Batang Maynila nakita at itinuro ni Blando ang mga nangholdap sa kanya habang naglalakad.

Palapit pa lamang ang mga pulis sa mga suspect  nang nagtakbuhan ang mga ito sabay nagpaputok ng baril kaya gumanti na rin ng  putok ang mga kagawad ng pulisya na nagresulta sa agarang kamatayan ni Abadami habang sa hita naman ang tama ni Lim.

Nakuha sa pag-iingat ni Abadami ang isang kalibre 22 at narekober  din sa mga suspect  ang mga natangay mula sa biktima.

ABADAMI BATANG MAYNILA HOMICIDE SECTION JIMBOY ABADAMI LANDO LIM LUIS RUFO MANILA POLICE DISTRICT-STATION MAYNILA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with