Not guilty plea, inihain ng ‘torture cop’
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Not guilty plea ang inihain ng tinaguriang ‘torture cop’ ng MPD na si Senior Inspector Joselito Binayug sa Manila Regional Trial Court matapos na akusahan ng  pagpapahirap sa isang suspect sa loob mismo ng  presinto sa Maynila noong 2010.

Ayon kay Binayug, wala siyang kinalaman sa kaso at walang nilalabag na Republic Act 9745, or the Anti-Torture Act laban kay Darius Evangelista na sina­sabing pinahirapan ng una  na nakunan naman ng  video. Si Evangelista ay suspect sa pagna­nakaw.

Si Bina­yug  ay ina­­resto  matapos na magpa-renew ng kanyang driver’s license  sa  Land Transportation Office (LTO)-Tayuman noong Lunes.

Sinabi ng mga ka­mag-anak ni Evangelista, nawala  si Darius ng  isang taon hanggang sa mangyari ang  torture.

Itinakda naman ang pagdinig sa kaso sa Hunyo 19.

Matatandaan na inirekomenda ng Department of Justice(DOJ)  noong nakaraang taon  ang pagsasampa ng kaso laban kina Binayug,  at anim na iba pa na kinabibilangan nina Supt. Rogelio Rosales, commander ng  Manila Police District Meisic Police Station 11 sa Binondo Manila, SPO3 Joaquin de Guzman, SPO1 Rodolfo Ong, SPO1 Dante Bautista, PO1 Nonito Binayug, at  PO1 Rex Binayug. Agad din namang sumuko si Rex.

Batay sa reklamo, kitang-kita sa video ang  pagpapahirap ni Binayug kay Evangelista  kung saan nakatali ang ari nito at hinihila ng paulit-ulit.

ANTI-TORTURE ACT BINAYUG BINONDO MANILA DANTE BAUTISTA DARIUS EVANGELISTA DEPARTMENT OF JUSTICE EVANGELISTA LAND TRANSPORTATION OFFICE MANILA POLICE DISTRICT MEISIC POLICE STATION
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with