^

Metro

Nakipagtalo sa pick-up girl, dinedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider matapos na saksakin ng isang di kilalang suspek habang nakikipagtalo sa isang pick-up girl sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Tinangka pang isalba ng mga doktor ng Rizal Medical Center (RMC) ang biktimang si Raymond Wesly Guentheor, 43, ng Brgy. Rizal, Makati City, ngunit nasawi rin bunsod nang tinamong saksak sa kanang bahagi ng leeg pero binawian din ito ng buhay.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Insp.Rodrigo De Dios, hepe ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) ng Pasig City Police, dakong alas-4:20 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Plaza Rizal, Brgy. San Jose.

Nabatid sa ilang saksi na bago ang pamamaslang ay sakay umano ng kanyang kulay itim na Kawasaki Fury (TC-9770) ang biktima nang huminto at nakitang nakikipagtalo sa isang hindi nakilalang pick-up girl sa Plaza Rizal.

Habang nagtatalo ang dalawa ay bigla na lang umanong lumapit ang di-kilalang suspek at walang sabi-sabing sinaksak ito sa leeg bago kaswal na naglakad palayo sa lugar.

Kahit duguan, nagawa naman ng biktima na makarating sa P. Burgos St. at sumakay sa pampasaherong jeepney (NXV-231) na minamaneho ni Perlito Cervantes.

Sapu-sapo ang leeg ay napahiga na lang umano sa flooring ng jeepney ang biktima kaya ito isinugod sa pagamutan.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa krimen para madakip ang suspek.

 

BRGY

BURGOS ST.

KAWASAKI FURY

MAKATI CITY

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PERLITO CERVANTES

PLAZA RIZAL

RAYMOND WESLY GUENTHEOR

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with