^

Metro

Dalaga, tumungga ng lason

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang  isang dalaga matapos tumungga ng lason sa pinapasukan nitong tindahan dahil sa problema sa pamilya sa  Ma­labon City kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Pa­gamutan Lungsod ng Malabon si Aira Espenida, 19,  tubong Camarines Sur at stay-in sa Uno Market sa Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat ng naturang  lungsod­.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-6:00 ng gabi naganap ang insidente sa na­sabing lugar makaraang magtungo  sa banyo ang biktima at paglabas ay napansin ng amo na namumutla na ito hanggang sa mawalan ng malay na naging dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na ospital.

Nabatid sa kasa­mahan ng biktima na nag­pabili ang nasawi ng silver cleaning solution sa isang Jason Valenzuela dahil maglilinis umano ng kanyang mga alahas na silver.

Nasabi rin ng isang kaanak ng biktima na may problema sa pamilya ang dalaga at gusto na aniya nitong mamatay. Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

 

AIRA ESPENIDA

BRGY

CAMARINES SUR

CLUB ST.

HULONG DUHAT

INAALAM

JASON VALENZUELA

MALABON CITY POLICE

SHY

UNO MARKET

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with