_ngayon
^

Metro

Bahay ng bagong suspect kay Nicole, sinalakay

Pete Laude - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagawang makakuha ang Special Investigation Task Group Nicole ng search warrant sa lugar ng isa sa posibleng suspect na nakapatay kay Stephanie Nicole Ella noong Bagong Taon.

Ayon kay Task Group spokesman Superinten­dent Jackie Candelario, habang isinusulat ang balitang ito, kasalukuyan nang nasa lugar ang kanilang opera­tiba at isinerve na ang search warrant ma­tapos aprubahan ng huwes ang kanilang apli­kasyon kahapon ng umaga.

Sinabi naman ni Chief Inspector Ronald Perilla, ng Caloocan City police North Extension Office in­vestigation chief na hanggang  alas-4:10  ng hapon kahapon ang kanilang ope­ratiba ay nananatiling nasa lugar nina Nicole habang  ginagalugad ang area. Hindi­ pa umano sila ma­aaring magbigay ng anumang impormasyon patungkol sa operasyon.

Ayon kay Candelario, ang bagong suspect na kanilang tinutunton ay lisensiyadong gun owner na ang bahay ay may 50-metro ang layo  sa lugar na pinagbagsakan ni Nicole habang ito, ang kanyang ama at kapatid ay nanonood ng fire­works noong Bagong Taon.

Sa araw na ito nakatak­dang dalhin ang labi ni Nicole sa  Tala Elementary School at sa Lord’s Flock Sanctuary International ngayong a raw na ito para sa necrological services. Sa Sabado, ito ay ililipat na sa Norzagaray na doon na rin ito ihahatid sa kanyang huling hantungan.

Nais sana ng mga ma­gulang ni Nicole na mahuli na at mapanagot ang naka­baril sa kanilang anak bago pa man sana ito ihatid sa kanyang huling han­tungan bukas.

 

AYON BAGONG TAON CALOOCAN CITY CHIEF INSPECTOR RONALD PERILLA FLOCK SANCTUARY INTERNATIONAL JACKIE CANDELARIO NORTH EXTENSION OFFICE SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with