_ngayon
^

Metro

Natulog sa dyip, di na nagising

Ni Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihinalang inatake sa puso ang isang 51-anyos na lalaki habang natutulog sa pampasaherong dyip sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubreng may tumutulong dugo sa ilong at wala ng buhay si Mario Uygen, 51, ng 1645 Dagupan st., Tondo, dakong alas 6:30  ng umaga sa loob ng pampasaherong dyip (PVM-617) habang nakaparada sa Almario st., Tondo.

Paalis na umano ang driver na si Rolando Baer upang bumiyahe nang makita nito ang biktima na nakadapa sa loob ng ipapasadang dyip.

Ini-start nito ang makina upang marinig at maramdaman ng biktima para kusang tumayo at bumaba sa pag-aakalang natutulog lang su­balit hindi umano natinag kaya nilapitan at dito nadiskubreng patay na.

Wala naman nakitang kahit na anong sugat sa biktima maliban sa dugo na mula sa bibig nito. Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Parlor.

ALMARIO CRUZ FUNERAL PARLOR DAGUPAN DINALA GLENZOR VALLEJO HINIHINALANG INI MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION MARIO UYGEN MAYNILA ROLANDO BAER
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with