Pacquiao siguradong aakyat sa ring sa Abril
MANILA, Philippines — Kumpiyansa si promoter Bob Arum na mapapanalisa ni Manny Pacquiao anumang araw kung sino ang gusto niyang labanan sa Abril.
Kaya naman ayaw pa ng CEO at chairman ng Top Rank Promotions na magbanggit ng posibleng makakasagupa ng Filipino world eight-division champion .
“Not until we sign, no. I'm not going to get held up by anybody by releasing a name,” sabi ni Arum sa panayam ng Boxingtalk.com.
Isa si dating Mexican world light welterweight titlist Mike Alvarado sa mga ikinukunsidera ni Arum na itapat kay Pacquiao na lalaban sa Madison Square Garden sa New York City sa unang pagkakataon.
“We’re going to find out something in next couple of days, but it’s looking like Manny’s going to be fighting again and it’s most likely going to be at Madison Square Garden on April 14th,” wika ni Arum.
Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 2 kung saan siya nabigo kay Jeff Horn via unanimous decision at naagawan ng bitbit na World Boxing Organization welterweight belt sa Brisbane, Australia.
Malaki ang posibilidad na piliin ng 39-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 38 knockouts) ang 37-anyos na si Alvarado (38-4-0, 26 KOs) na sumasakay sa isang four-fight winning streak.
Nauna nang nagparamdam ng interes si World Boxing Association welterweight title-holder Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) na sagupain si Pacquiao ngayong taon.
- Latest