^

True Confessions

Ang Magkapatid (101)

TOFF of the world - Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG araw bago ang board exam, nagtungo muli si Ada sa bahay ni Lola Soc sa Tatalon.

Nagulat si Caridad nang makita si Ada.

Nagmamadaling binuk­san ang pinto.

“Halika Ada. Nasa banyo si Enyora.’’

Pumasok si Ada.

“Kumusta po, Manang Caridad?’’

“Mabuti naman. Ikaw Ada kumusta? Di ba kukuha ka ng exam?’’

“Bukas na po. Nagtu­ngo lang ako para humi­ngi ng basbas kay Lola. Ipinagdarasal daw po niya ako.’’

“A oo. Mabuti nga ka­pag marami ang nagda­rasal. Hayaan mo at ipag­darasal kita mamayang gabi na mag-number 1 ka.’’

“Salamat Manang.’’

Maya-maya lumabas na si Lola Soc sa banyo.

Nakangiti ito nang ma­kita si Ada.

Lumapit ito kay Ada. Tumayo naman si Ada at hinalikan ang matanda.

“Bukas na ang board exam, Ada.’’ “Opo Lola. Hihingi ako ng basbas sa iyo.’’

“Sige. Mabuti at nagtu­ngo ka.’’

Naupo si Lola sa tabi ni Ada.

“Ang ganda talaga ni Ada!” sabi ni Lola na nakatingin at hinimas-himas ang braso ni Ada.

“Salamat Lola.’’

“Palagay ko maglola nga tayo. Magkamukha tayo. Di ba Caridad, magkamukha kami ni Ada?’’

“Opo Enyora. Baka nga apo mo siya, he-he-he!’’

“Hawig nga kami Caridad. Pareho ang ilong at mga mata namin.’’
“Oo nga po Enyora.’’

Pinagmasda ni Lola Soc si Ada. Parang may inalala habang nakati­ngin kay Ada.

“Sayang. Marami akong sinayang noon. Kung maibabalik ko lang ang lahat.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG MAGKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with