^

PSN Showbiz

Rachel Arenas pinaka-approachable at friendly na appointee ni pres. Digong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rachel Arenas  pinaka-approachable  at friendly na appointee   ni pres. Digong
Rachel Arenas

Hindi ko naman akalain na sobrang magmahal ang mga Arenas. Sabi ni Ricky Lo, sobrang mag-alaga ng friends si Tita Baby Arenas kaya mahal na mahal niya.

Nakita ko sa personalidad ni MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chair Rachel Arenas ang pagiging loving ng nanay niya. Sobra rin siya sa pagiging approachable at friendly.

Very honest in dealing kaya pala mahal siya ng mga nakasama niya sa House of Representatives noong congresswoman pa siya.

Talagang touching how Mama Rachel treats her friends dahil ramdam na ramdam ang thoughtfulness niya at pagiging trustworthy.

Para sa akin, silang dalawa ni FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair Liza Diño ang mga good appointee ni President Rodrigo Duterte. Ginagawa nila nang maayos ang kanilang trabaho at parehong maganda ang pagpapatakbo nila sa mga government agency na kanilang pinamu­munuan. Women power at its best talaga ang paglilingkod nina Mama Rachel at Liza.

Willie magta-travel na lang pag nag-retire

Happy na si Willie Revillame sa pagiging host ng Wowowin at sa pagtulong sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng kanyang top-rating game show sa GMA-7 kaya wala na sa plano niya na gumawa o mag-produce ng pelikula.

May mga negosyo rin si Willie na pinagkakaabalahan niya kaya wala siyang idle time.

Work nang work si Willie habang kaya pa nito at kapag nag-retire sa showbiz, saka siya magbibiyahe sa mga bansa na type niya na puntahan.

Nang magkuwentuhan kami ni Willie sa kanyang events place sa penthouse ng Wil Tower, sinabi niya na sobrang happy siya sa GMA-7.

Feel na feel ni Willie ang pagmamahal ng management ng GMA-7 na pinakikinggan ang kanyang mga suggestion para lalong mapaganda ang mga programa ng Kapuso Network.

Love na love si Willie ng staff ng Wowo­win dahil ramdam naman nila ang malasakit at pagmamahal sa kanila.

Imagine, si Willie ang personal na bumibili ng mga pang-regalo niya sa staff ng kanyang show as in siya mismo ang pumupunta sa mga mall. Hindi niya ipinagkakatiwala sa ibang tao ang pagpili at pagbili ng mga regalo na sobrang appreciated ng staff ng Wowowin.

Lito ‘tsutsugiin’ na

Malapit nang matsugi ang karakter ni Lito Lapid sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil magsisimula na ang campaign period para sa mga kandidato sa midterm elections sa May 2019.

Muling tatakbo na senador si Tolits at malaki ang tsansa na manalo siya dahil maganda ang puwesto niya sa mga survey.

I’m sure, nakatulong ang exposure ni Tolits sa primetime drama action series ni Coco Martin kaya lalong tumaas ang popularidad niya sa masa.

Hindi lamang si Tolits ang cast member ng Ang Probinsyano na magpapaalam dahil mga kandidato rin sina Edu Manzano at Jhong Hilario. Tatakbo si Edu na congressman sa lone district ng San Juan City at re-electionist na konsehal ng Makati City si Jhong na magbabakasyon din bilang co-host ng It’s Showtime.

Bong ramdam ang pagmamahal

Walang regular television show at matagal nang hindi active sa paggawa ng pelikula si Bong Revilla, Jr. pero kasama siya sa listahan ng top senatoriables.

Maligayang-maligaya si Bong dahil nakikita at nararamdaman niya ang pagmamahal ng ating mga kababayan sa kanyang mga Pasasalamat Caravan.

Isipin n’yo na lang kung hindi nakulong si Bong ng apat at kalahating taon. Sure ako na mas mataas ang posisyon niya sa mga survey tungkol sa mga senatoriable na iboboto ng mga Pilipino sa eleksyon sa May 2019.

vuukle comment

RACHEL ARENAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with