^

PSN Showbiz

Julia di sanay mag-bra!,Joshua babad sa computer games

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Julia di sanay mag-bra!,Joshua babad sa computer games
Julia

Magtatapos na ngayong Biyer­nes, January 18 ang unang tele­serye na pinagtatambalan ng real and reel loveteam nina Julia Barretto at Joshua Garcia, ang Nga­yon At Kailanman at ito’y papalitan ng comeback tele­serye ni Angel Locsin, ang The General’s Daughter.

?Sa guesting ng dalawa sa late night prog­ram ng King of Talk na si Boy Abunda, ang Tonight with Boy Abunda, inamin ni Julia na hindi umano siya mahilig magsuot ng bra at cycling shorts bagay na hindi kumportable si Joshua.

?“Dalawang taon na kami at dalawang ta­on na rin akong nagpapaliwanag sa kanya,”  na­­­tata­­wang pahayag ni Julia tungkol sa kanyang mga seksing kasuotan.

?Ipinaliwanag ni Julia na mas kumpor­tab­­­le umano siya sa hindi pagsusuot ng bra at (cycling) shorts when she’s wearing sexy dresses bagay na iniintindi na lamang ni Jo­shua na may   pagka-conservative in nature.

?Ibinuking din ni Julia na minsan ay hindi raw agad nasasagot ni Joshua ang phone nito at hindi rin agad ito nakakapag-text back sa kanya kapag ito’y abala sa kanyang computer games na kanyang hobby sa ngayon.

?“Pero mas gusto ko naman siyang mag-computer games na lang kaysa lumalabas siya na hindi ako kasama,” dugtong pa ng panganay ng estranged couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

?Kung first team-up sa telebisyon nina Julia at at Joshua ang Ngayon at Kailanman apat na beses naman nang nagkasama ang dalawa sa pelikula.

?Most likely ay nakatakdang gumawa ang magkarelasyon ng bagong mo­vie for this year.

Luto ni Helen mapapanood uli

?It was in June 2017 nang unang humarap ang dating movie and dancing queen na si Helen Gamboa para sa kanyang unang cooking show on TV, ang Helen’s Kitchen directed by writer-actress-director Bibeth Orteza which first aired on July 1, 2017 sa Cignal TV’s Colours channel.

?Starting on January 21 (every Monday) sa ganap na alas-onse ng uma­ga ay muling mapapanood ang Helen’s Kitchen, kung saan patuloy na ipinapakita at ibinabahagi ni Helen ang kanyang passion at husay sa pagluluto na minana niya sa kanyang namayapang  ina.

?Ayon kay Helen, wala umano siyang formal lessons in cooking pero hinahanap-hanap ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang sarili niyang luto at mga recipe.  

?Ang weekly episode ng Helen’s Kitchen ay sa kusina mismo ni Helen in their White Plains house in Quezon City kinukunan kaya lutong bahay ang kanyang inihahain sa televiewers linggu-linggo.a

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with