^

PSN Opinyon

Ang sagutan ng Presidente at Simbahan

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

PARA sa akin hindi na nakabubuti sa ating bansa ang lumalalang away ni Presidente Digong at mga miyembro­ ng Simbahan. Dapat na itong matigil dahil ang taumbayan ay nalilito na sa nangyayaring bangayan. Di ba’t bumuo ng four-man committee para pag-ayusin ang Presidente at mga obispo? Hindi kaya nila kinaya ang trabahong ini­atang sa kanila? Hindi pa nga yata nila naumpisahan ang kanilang trabahao, tinapos na agad.

Gusto ko ang mga ginagawa ni Digong tulad ng pagsugpo sa droga. Wala akong maipipintas sa kanya. Pero ang pang-aaway niya sa mga obispo at pari ay hindi ko gusto. Sagrado akong Katoliko, kaya dito kami magkahiwalay ng landas ng Presidente. Tigilan na niya ang birada sa mga obispo.

Nagkaroon man siya ng hindi magandang karanasan sa pari nung kanyang kabataan pero huwag naman sana niya itong lahatin. Parang sa isang buong pamilya, hindi mawawala riyan ang isang bad child. Ganyan din sa simbahan meron lamang ilan sa kanila ang nalilihis ang landas at nakakagawa ng ikasisira ng buong samahan.

Kung tutuusin magkahiwalay ang Gobyerno at Simbahan. Dahil sa pagpuna ng mga pari kay Digong ayan nagsasalpukan na. Siguro imbes na mag-away bakit di na lang magkaisa at pagtulungang paunlarin ang bansa? Alam naman natin na maraming Katoliko sa ating bansa pero hindi lahat ay napapasunod sa gusto ng Simbahan dahil meron sa kanila ay gusto rin ang pamamalakad ni Digong sa gobyerno. Kaya ang mamamayan ang naapek­tuhan sa away ng Gobyerno at Simbahan.

Meron pang tatlong taong bubunuin si Digong sa pu­westo. Kaya pang ayusin ang gusot niya sa mga obispo. Magpokus na lang sa trabaho at paunlarin ang ekonomiya ng bansa. Tantanan na ang mga obispo dahil wala ring saysay ang ginagawa n’yo.

vuukle comment

CATHOLIC CHURCH

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with