^

PSN Opinyon

Kung ilegal pala…

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BAKA mali lang ang impormasyong nakuha ni DFA Sec. Locsin, hinggil sa gulo sa pag-renew ng passport ngayon. Ayon kay dating DFA Sec. Yasay, imposibleng itangay ng Francois-Charles Oberthur Fiduciare ang impormasyong hawak nila. Baka nasa Lipa, Batangas lang daw noong ilipat ang impormasyon doon. Dagdag pa ni Yasay, alam na raw niya na ilegal ang ginawa ng bagong kontraktor, ang APO Production Unit (APO), na ibigay ang trabaho sa iba, ang United Graphic Expression Corporation (UGEC). Nangyari raw ito noong 2015, sa ilalim ni dating DFA Sec. Albert del Rosario. Hindi na raw muna magsasalita si Del Rosario at may tiwala sa direksiyon ni Locsin. Wala pang pahayag mula kay dating Sec. Cayetano.

Pero noong binanggit daw ni Yasay kay President Duterte, hindi na pinalitan o ginawan nang isyu dahil “gugulo lang daw”. Baguhin na lang daw ang proseso. Inamin na rin ni Locsin na hindi nga itinangay ng Oberthur ang impormasyon ng mga gustong mag-renew ng passport. Hindi lang daw makapasok sa database nila. Pero hindi naman siguro mahirap makuha ang impormasyon, kung talagang nandyan pa at gugustuhin, at ilang taon na rin ang lumipas nang umalis na ang Oberthur. Noong 2014 daw pumasok ang APO, kaya may apat na taon nang lumipas para makuha ito.

Giit naman ni Locsin na ang mga lumang passport ng mga gustong mag-renew ay sapat na dapat na impor­masyon. Totoo nga naman. Kung nabigyan na ng passport noon, bakit pa kailangan ng birth certificate para patunayan ang pagkakakilanlan? At ang dapat imbestigahan ay ang sinasabing “malalakas” sa Kongreso ni Yasay, na ayaw kanselahin o imbestigahan ang pagbigay ng APO ng trabaho sa UGEC, na hanggang ngayon ay sila pa umano ang gumagawa ng passport. Sino ang mga “mala­lakas” na ito na ayaw pangalanan ni Yasay?

Kung sinabi na raw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo noong Pebrero 2017 na ilegal ang pagbigay ng APO sa UGEC ng trabaho para gawin ang passports, bakit hindi nila habulin at kasuhan? Magdadalawang taon na nang ipahayag na iligal. Akala ko ba galit na galit sila sa katiwalian at korapsyon? O depende na lang kung sino ang sangkot? O dahil sinabi ni Duterte na pa­bayaan na lang, kahit ilegal?

vuukle comment

TEODORO L. LOCSIN JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with