Hunyo 16, 2025
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Malaki ang pagkakataon ang nasa iyo. Pag-aralan ng mabuti ang panukalang negosyo. Huwag basta pumasok sa anumang bagay na hindi tiyak ang kalalabasan. Kumunsulta sa dalubhasa kung may pagdududa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 30, 41 at off-white.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging magaan ang tulong kung bukal sa puso ang pagbibigay. Tiyakin lamang na nasa tamang tao ang tulong. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 30, 37 at antique gold.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ang dinaranas na katamlayan ay maaa-ring nagmula sa kapaguran sa mga nakaraang araw. Pahinga ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 20, 33 at oak brown.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Masamang balita dahil may hindi inaasahang pagkakagastusan. Kung ano man ang naitabi ay mailalabas. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 39, 45 at baby pink.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Hindi magiging komportable sa biro ng ilang taong makakahuntahan. Kaya hangga’t maaari, iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 20, 30 at orange.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang mga pangyayari sa nakalipas ay aral para sa iyo. Ngayon matutukoy ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 20, 36 at avocado green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Habang may buhay ay may pag-asa, ika nga. Malaki ang chance na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 32, 43 at turquoise.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang kahihinatnan ng kapusukan ay kapahamakan. Dapat supilin ito. Huwag sundin ang bugso ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 26, 34 at opal.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Walang perpekto kaya panahon ngayon na pag-aralan kung ano ang mga pagkukulang na nagawa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 20, 31 at beige.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag hayaang maging malaki ang hidwaan ninyong magkakaibigan. Madali ang solusyon kung sadyang nanaisin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 10, 25 at mocca.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Iwasan na ipakipagsapalaran ang perang para sa negosyo o nakalaan sa mga gastusin. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 36, 42 at chocolate brown.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – May mga pangyayari na kailangang sundin ang damdamin. Magi ging iritable ang mahal kaya magpasensya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 40 at cream.
- Latest