Hunyo 13, 2025
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Paakyat panaog ang situwasyon tungkol sa pag-ibig. Iwasan ang magkaroon ng alitan tungkol dito. Ang makipag-date ay angkop ngayon araw na ito. Ang mga nagmamalasakit ay dapat pasalamatan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 117, 26 at peach.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Matatagpuan ang sarili na harap ng alanga-ning situwasyon. Ang kumplikasyon tungkol sa salapi ay malalampasan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 24, 36 at navy blue.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag mabahala kung palaging danasin ang kaba dahil dala lamang ito ng sobrang pagod at pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 30, 40 at wine red.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ilagay sa wasto ang mga gastusin at bayaran. Maging mahinahon sa tuwina. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 27, 41 at indigo.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Hanapin ang produktibong paraan upang pagtagumpayan ang kasalukuyang negosyo o trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 27, 42 at hot pink.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang cooperation sa trabaho ay lubos na aasahan ng mga kasamahan ngayon. Patungo ka sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 19, 26, 27, 29 at honey yellow.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag mabahala kung makasagupa ng mga pagbabago. Sa paraang mahinahon, malulunasan ito. Lucky numbers at color for the day ang 1, 2, 29, 40 at purple.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Makakahanap ng paraan kung papaano mapapalamig ang situwasyon sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 18, 28 at green.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Malalampasan ang suliranin. Magkakaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 18, 42 at malachite green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – May pagbabago sa relasyon. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 17, 20 at ruby red.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Walang dapat asahan kundi ang sarili. Ang sosyal na aktibidad ay makapagbubukas ng bagong pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 17, 23, blue.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Suriing mabuti ang mga bagong proposisyon bago sumang-ayon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 18, 40 at metallic green.
- Latest