Hunyo 7, 2025
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Ang suliranin sa pera ay magiging pangunahin dahil sa mga nag-aaral. Sana maging malaki ang pagkakataon para mailagay sa ayos ang pagba-budget nang hindi danasin ang kakapusan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 21, 34 at olive green.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging mataas ang personalidad sa tingin ng iba kaya paniniwalaan ka ng lahat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 23, 35 at golden yellow.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Iwasan ang mangako dahil malilimutan o hindi matutupad. Ang appointment ay maa-ring pumalpak. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 31, 37 at ivory white.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ihanda ang sarili sa suliranin ng pamilya o trabaho. Magiging matapang sa pag-harap ng suliran. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 21, 36 at yellow.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) - Maging maagap. Ang pagsisimula ng negosyo ay magiging daan sa pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 25, 37 at blue green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang konsentrasyon ay iukol sa gawaing ispiritwal. May magandang balita para sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 32, 37 at tangerine.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Sa mga may asawa, mag-ingat sa tukso ng pag-ibig dahil sisirain nito ang sariling pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 19, 32, 33 at cherry red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Alagaan ng buong husay ang trabaho at dito nakasalalay ang hapagkainan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 22, 35 at pink.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) –Panatilihin ang konsentrasyon at matinong pag-iisip sa ano mang gawain. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 17, 31 at sky blue.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang pagbuo ng patakaran at prinsipyo sa tahanan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 28, 42 at magenta.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – May sikretong matutuklasan. Maaari kang ma-in love sa isang bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 9, 21, 29, 39 at indigo.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Ang tulong na kailangan sa kaibigan ay hindi maaasahan. Nasa sarili ang katuparan ng minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 18, 31 at ruby red.
- Latest