^

Kutob

Halina ng ONX

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Simula nang ipinakilala ang P-Pop group na ONX na kinabibilangan nina Tep, Jai, EL at Astro noong July 2024, hindi sila tumigil sa paghasa ng kanilang talent sa pagpe-perform sa iba’t ibang gig. (bawal magpahinga, or else papaluin sa pwet!)

Natutuwa rin sila at ang kanilang manager na si Paolo Valconcha dahil wala pa silang isang taon, may mga solid ONX fans na at ang tawag, mga OA (ONX allies!

Parang ako lang, OA as in over-acting kung minsan!)

“I always remind them to be humble and kapag nakatungtong na sa stage, they should always give their best.

I really see them making music and performing at their own concerts locally and internationally, “ pagbibida ni Paolo. (ay sama ako ‘pag international na!)

Kamakailan, nakapaglunsad na sila ng kanilang kauna-unahang single na may title na “Halina” composed by Jascel Valencia na miyembro ng Junior New System na sumabak noon sa Asia’s Got Ta-lent. (tara na mga bro!)

“Ang kanta ay tungkol sa love at first sight. ‘Yung tipong nahalina ka sa crush mo at gusto mong gawin ang lahat para mapansin kay nya,” pagpapaliwanag ni Tep na isa ring content creator at livestream. (ay kanta ko ata sa inyo ‘yan mga bro!)

Dagdag ng kapwa nya online personality na si  Jai: “upbeat song sya pero nakaka-relax din at the same time.

Swabe kumbaga. Ang goal ay ma-mesmerize ang mga nakikinig.”  (mesmerized na ‘ko sayo, bro!)

Nagpapasalamat sila sa suporta ng mga OA sa bagong pagsisimulang ito para sa kanilang grupo.

Say ng delivery rider and dancer na si EL, “Mula sa pag-ga-grab hanggang sa training, ibinuhos na namin ang lahat para sa mga fans.

Kasi kaya namin ito ginagawa ay para sa kanila. Para me-ron silang music na pinapakinggan.

Meron silang performance na aabangan at hindi magsasawa sa pagsuporta sa amin.”(‘di kita pagsasawaan, bro!)

Pahabol naman ni theater actor astro, “Nagpapasalamat talaga kami nang sobra sa mga fans sa pagmamahal nila sa amin. Kung nasan kami, nandun sila.

Kahit ‘di kami sikat, ‘di nila ipinaparamdam ‘yun samin. Ang sarap ng feeling kapag kasama namin sila sa mga gig.

Sana mas lumago pa sila, ‘di naman sila bibiguin.” (tara magpalago na tayo mga bro!)

 

 

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with