Mayo 17, 2025
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan sa tahanan, subalit hindi ka direktang kasali. Kung aayusin ang sigalot, tiyakin na hindi makakasali sa gulo. Pasensya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 41 at violet.
GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) – Ang kinatatakutan mong landas ay daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 29, 36 at white.
CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) – Kung makakatanggap ng regalo mula sa opposite sex, tiyak magkakatuluyan kayo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 26, 38, 45 at lilac.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at violet.
VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) – Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghinanakit, dahil hindi kayo bagay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 25, 30 at indigo.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Magandang balita ang matatanggap. Hawak mo ang bola ng tagumpay, angkinin ito. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 37 at blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung gulong-gulo ka sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan, makipag-break ka na. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at brown.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 40 at pink.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi ito labag sa kagandahang-asal at hindi ikapapahamak ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 29, 33 at yellow.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ano man ang gawain ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maa-yos na pagpaplano. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 24, 36 at beige.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Hindi maiiwasan ang argumento, subalit maiiwasan mapaaway kung magiging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 40 at jade green.
ARIES: (Mar. 21- Abr. 19) – Maraming gawain, pero kailangan ang pahinga para sa kalusugan. Iwasan ang magpagod. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 36 at green.
- Latest