Mayo 11, 2025
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Mali o tama, panindigan ang iyong desisyon. Maaaring makatanggap ng balita mula sa koreo, telepono o sa makabagong teknolohiya. Maganda ang pa-latandaan sa pag-ibig. Ipagpaliban ang balak na paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 29, 37 at brown.
GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) – Huwag aksayahin ang oras sa walang kwentang usapan, pagtitipon o tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 14, 24, 25, 37 at jade green.
CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) – Kung hindi mapaglalabanan ang pagkatamad, hindi makakapasok o walang magagawang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 13, 17, 32, 37 at indigo.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Pakiramdaman ang kutob para hindi magkamali sa pagdedesisyon. Ang nasimulang trabaho ay magiging maa-yos. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 26, 39 at carnilian.
VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) – Iwasan ang mangako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na dapat panindigan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 27, 36 at agate green.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Dalawa ang mukha ng payo, may mabuti at may masama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 25, 36 at royal blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Iwasan ang maging matampuhin dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 25, 32 at emerald green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magtatagumpay ang matiyaga, masikap at magsisimulang mamitas ng matamis na bunga. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 30, 39 at red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magiging makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 17, 36, 41 at fuchsia.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Taglayin ang mahinahon na pag-iisip dahil mapapasabak sa mental o pisikal na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 19, 22, 34, 37 at yellow.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan ang maging malikot ang isipan dahil maaaring pasukan ng hindi magandang ideya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 17, 24 at green.
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa gawa at pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 25,36 at dollar green.
- Latest