Mayo 10, 2025
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Mauubos ang oras na walang mangyayari kung aasa sa iba. Kung gustong matapos ang gawain, kumilos kahit mag-isa. Sariling kapakanan ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 39 at pink.
GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) – Ang problema sa relasyon kung patuloy na magbubulag-bulagan ay walang solusyon. Kumilos ka! Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 27, 39 at yellow.
CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) – Mag-ingat sa mga bibitiwang salita dahil may masasaktang damdamin. Mabuting maging tagapakinig. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 31, 44 at blue.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Hindi dapat ipilit sa kanya kung ano ang ayaw dahil pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 23, 35 at red.
VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) – Maging praktikal sa sasabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 22, 30 at royal blue.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung magmumukmok ng dahil sa problema, pinahihirapan mo ang iyong sarili. Tangga-pin ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 29, 38 at peach.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – May mga pagbabago kang dapat gawin at kung ito ay magagawa, lalandasin ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 26, 37 at navy blue.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung inaakalang ikaw ang nagkamali at gustong magkabati, huwag mahiya na ikaw ang unang lumapit. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 29, 30 at cream.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Iwasan na makagawa ng makasasakit ng kalooban ng minamahal dahil hahantong sa tampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 36, 45 at green.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Iwasan ang sobrang subsob sa trabaho at kakaisip sa pagresulba ng problema. Mag-relax! Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 26, 41 at peach.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – May darating na suliranin. Ikaw lamang ang makakatuklas kung bakit pumapalpak. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 37, 42 at fuchsia.
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Bago mahulog ng lubusan ang kalooban sa kanya, alamin muna ang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 29, 41 at brown.
- Latest