^

Kutob

Setyembre 28, 2022

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kung tapat ang hangarin, ituloy dahil magtatagumpay. Walang dapat na ikapangamba kung malinis ang intensiyon. Naaayon ang makipagsosyalan o makihalo-bilo sa mga kaibigan. Iwasan ang pagpupuyat. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 36, 42 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag mahiyang magtanong kung hindi alam. Kung may pagdududa, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky umbers at color for the day ang 8, 19, 27, 34 at gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Aminin ang nagawang kasalanan. Dahil lalong sasama ang loob niya kung sa iba pa malalaman ang nagawa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 28 42 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Bumagsak man sa pagsusulit, huwag paghinaan ng loob. Kulang ka lang sa kahandaan, kaya ugaliin ang maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 32, 41 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Huwag mahiyang magsabi sa magulang na kailangan mo ng pera na pambili ng gamit. Higit sa inaasahan ang darating. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 39, 44 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isang kaibigan ang hihingi ng payo. Kahit masaktan siya, gawin para malaman niya ang katotohanan. Huwag mambola. Lucky numbers at color for the day ang  5, 18, 25, 36 at gray.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Kung may problema sa relasyon, posibleng humantong sa hiwalayan ng landas. Huwag magpabaya, iwasan ang alitan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 39, 43 at brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kamag-anak o kaibigan ang makakatulong para maayos ang problema. Makinig at sundin ang makabuluhang payo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 23, 31 at mint green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Magkakasamaan ng loob ang magkasintahan dahil sa selos. Walang idudulot na kabutihan kung magmamatigas. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 27, 37 at sky blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag mawalan ng pag-asa kung wala ka pa ring trabaho. Makakahanap ka, tiyaga at magtiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 13, 20, 27, 31 at white.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Walang dapat ipag-alinlangan sa minamahal, dahil tapat siya sa’yo. Kung may duda, iwaglit dahil nagkakamali ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 41 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag pilitin ang sarili kung may duda. Dulot ng puyat o pagod, hindi magawa ang dapat gawin. Baguhin ito. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 29, 38 at green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with