^

Kutob

Setyembre 23, 2022

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mapapansin mo ang unti-unting panlalamig ng kaibigan o minamahal. Kung hindi mo alam ang dahilan, walang masama kung tanungin siya para magkaliwanagan. Daanin sa diplomasya ang pakikipag-usap ng walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 21, 34, 42 at brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Malaki ang iyong pagkukulang sa pamilya o minamahal, kaya siguro panahon na upang makabawi. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 40 at tangerine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Pag-isipan ng mabuti ang ginagawa para hindi tuluyang magkamali. Mag-ingat sa pagsasalita o sa pag-gawa. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 39 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Masakit man, ngunit huwag balewalain ang pangaral sa’yo. Ang mungkahi o suhestiyon ay dapat isaalang-alang. Lucky numbers at color for the day ang 16, 17, 34, 40 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mayroon ka ngayon, huwag magtaka kung ikaw ay lalapitan at hingian ng tulong. Magbigay para lalong managana. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 37, 42 at emerald green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung paiiralin ang pagkamahiyain, talo ka dahil hindi mo masasabi ang gusto mong sabihin. Magpakatapang. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 36, 39 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung daragdagan ang pagtitiyaga at pagsisikap, makakamit ang iyong minimithi. Abot-kamay ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 22, 37 at maroon.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung may lalakarin, gawin pagkalipas ng tanghalian para hindi mabigo. Pag-isipan itp ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 17, 28, 32, 39 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Madadamay ka sa mga tao na negatibo ang enerhiya, kung hindi ka magiging matatag sa iyong prinsipyo. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 25, 34 at white.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ituloy ang binabalak dahil magiging positibo ang kalalabasan. Nasa tamang landas ang iyong tagumpay. Kilos agad. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 28, 44 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Hindi maganda ang araw para sa iyo, ngunit kung magiging mahinahon, makakaraos. Mag-relax. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 35, 37 at light green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag hayaan kung may problema na hindi maresulba, dahil lalong lalaki kung mapapabayaan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 26, 36, 41 at mint green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with