Mayo 25, 2022

GEMINI: (May.21-Hun.21) Kung malayo ka sa iyong minamahal, dama mo ang lungkot at pananabik, ngunit ang lahat ay mapapawi kung makakatanggap ng mensahe o tawag niya. Ang sariling kapakanan ang bigyan ng pansin. Mag-ipon ka. Lucky numbers at color for the day ang 10, 33, 40, 41 at Neon green.

CANCER: (Hun.22-Hul.22) Mahihirapang ipaunawa ang iyong opinyon sa iba, ngunit lalawak ang iyong kakayahan sa komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ang 07, 27, 29, 37 at Sky blue.

LEO: (Hul.23-Ago.22) Ang kutob ay magkakatotoo dahil ngayon mo lubos na makikita ang tunay na kulay ng isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 04, 39, 40, 43 at Aqua blue.

VIRGO: (Ago.23-Set.23) Mag-ingat sa labis na paggasta. Pairalin ang kabutihan ng loob at tiyak pawang magagandang bagay ang mangyayari sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 02, 12, 32, 33 at Red.

LIBRA: (Set.24-Okt.23) Kung may suliranin at para gumaan ang dibdib, dapat ibahagi sa minamahal ang bumabagabag sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 36, 38 at Jade green.

SCORPIO: (Okt.24-Nob.22) Hindi maiiwasan ang pagtatalo, subalit piliin ang magsawalang kibo na lamang para hindi mapaaway. Lucky numbers at color for the day ang 08, 09, 39, 41 at Brown.

Advertising
Scroll to continue

SAGITTARIUS: (Nob.23-Dis.21) Malinaw ang mga pinaplano mo sa kasalukuyan at madali kang mauunawaan ng mga nakapaligid sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 23, 35, 39 at Indigo.

CAPRICORN: (Dis.22-Ene.19) Huwag kang magtaka kung may magbibigay ng sakit ng ulo sa iyo. Iwasan ang makipag-talo dahil wala kang mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 14, 27, 36, 42 at Yellow.

AQUARIUS: (Ene.20-Peb.18) Ang mga magandang bagay na iyong nagawa sa kapwa ay may katumbas na bungang pipitasin sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 04, 17, 23, 40 at Orange.

PISCES: (Peb.19-Mar.20) Mali ang iyong akala na balewala ka sa pamilya dahil kabaliktaran ito. Huwag ilayo ang sarili sa mga nagmamahal sa ‘yo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 39, 40 at Red.

ARIES: (Mar.21-Abr.19) Magiging malamig ang pakikitungo mo ngayon sa isang kamag-anak o kaibigan dahil hindi ka pa maka-move sa hinanakit. Lucky numbers at color for the day ang 08, 28, 30, 40 at Blue.

TAURUS: (Abr.20-May.20) Isang kamag-anak ang mabibigyan mo ng kasiyahan ngayon. Pero mag-ingat dahil may sasama ang kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 20, 30, 39, 42 at Green.

Show comments