^

Pebrero 15, 2021

Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2021 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang iyong mga pinagkakaabalahan ay may malaking epekto sa’yong future, kaya gawin ito sa tamang paraan. Pagbigyan ang paglalambing ng isang kapamilya kung kaya naman. Lucky numbers at color for the day ang 33, 56, 41, 55, 37 at mango orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Stable na ang iyong kalagayan. Huwag kalimutang magpasalamat sa lahat ng suportang tinanggap. Lucky numbers at color for the day ang 23, 37, 54, 45, 15 at cherry red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang hangad na kalayaan ay matatamo kung sisi-mulan na ang magbayad sa mga pinagkakauta-ngan. Maging masinop. Lucky numbers at color for the day ang 53, 36, 47, 12, 23 at emerald green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag kontrahin ang sarili, patunayan na kaya mo lampasan ang mga pagsubok na dumarating sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 53, 26, 49, 31, 13 at sandalwood brown.GEMINI: (May. 21-Hun. 21) People builder ka, ito ang purpose ng iyong buhay. Ang pagbabahagi ng kaalaman ang magpapayaman sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 23, 46, 39, 15, 51 at cyan blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Nais ng iyong ex ang second chance. Suriin ang kalooban, kung talagang mahal mo siya at kung single pa rin, go! Lucky numbers at color for the day ang 53, 36, 29, 15, 51 at tulip.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Masaya ka na aakit ng mga positibong pangyayari sa buong araw. Inaayunan ang pagpapalawak ng kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 53, 37, 49, 12, 22 at cyan blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Patuloy ang saya sa buhay dahil connected ka sa tamang source. Maging masaya sa tagumpay ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 23, 45, 49, 51, 14 at emerald green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Nasa pagsubok ka man o wala, piliin ang maging masaya. Makakamit ang hinahangad kung patuloy na magsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 33, 31, 43, 11, 33 at ube purple.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang iyong start up business plan ay mabilis na matatapos. Aakitin mo ang income ayon sa desired goals. Lucky numbers at color for the day ang 33, 27, 49, 53, 11 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mauunawaan mo nga-yon ang mga maling desisyon na nagawa. Hindi pa huli ang lahat para itama ito. Lucky numbers at color for the day ang 43, 56, 29, 13, 36 at ultra violet.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Sikapin na unawain ang kahinaan ng kapwa. Tuklasin ang best sa iyong kakayahan, ito ang susi ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 53, 36, 49, 12, 22 at honey yellow.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with