^

Enero 21, 2021

Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 21-Peb. 18) Normal lang ang inventory sa negosyo kailangan ito para ma-monitor ang lahat na gastusin. Huwag pakunsumi sa mga pasaway. Ilaan ang lakas sa mas kapaki-pakinabang na gawain. Matutupad ang matagal mo nang inaasam. Lucky numbers at color for the day ang 53, 28, 49, 11, 33 at vanilla brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Sundin ang kutob ng kalooban, ito ay gabay ng inner being. Ang iyong desire ay perfect match sa kalooban mo. Lucky numbers at color for the day ang 54, 36, 29, 41, 11 at safron yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 20) Mahalaga ang trust upang maisakatuparan ang mga plano. Gawin ang magagawa, huwag susuko. Lucky numbers at color for the day ang 23, 36, 59, 11, 43 at scarlet red.

TAURUS: (Abr. 21-May. 21) Sisimulan ang araw na feel good ka. Ang maging masaya ay bahagi ng eagerness ng iyong inner being. Stay happy. Lucky numbers at color for the day ang 43, 26, 39, 13, 53 at cobalt blue.

GEMINI: (May. 22-Hun. 21) Ang meditation ang papatid sa mga negative thoughts. Aakitin nito ang mga hinahangad mo. Lucky numbers at color for the day ang 23, 36, 43, 48, 11, 51 at cinnamon brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang pagpapakita ng appreciation ay magpapalitaw ng iyong mga productive ideas, progressive at increasing income. Lucky numbers at color for the day ang 13, 36, 29, 53, 11 at grape violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 23) Tagumpay ang plano mo sa business. Maraming investment ang duma-ting at darating, trusted ka ng mga investor. Lucky numbers at color for the day ang 33, 26, 45, 11, 53 at ivory white.

VIRGO: (Ago. 24-Set.23) Ang lahat ng thought ay magiging bagay. Feel good ang bawat sandali sa piling ng iyong mahal. Lucky numbers at color for the day ang 13, 56, 49, 15, 32 at shocking pink.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Nais mo na ma-expose sa madla para maipakita ang iyong happy expression sa lahat. Magpakatotoo. Lucky numbers at color for the day ang 43, 36, 29, 11, 56 at sapphire.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ikaw ang lumilikha ng iyong tadhana. Ang iyong inner being ang gabay para sa creative expression. Lucky numbers at color for the day ang 33, 26, 49, 11, 55 at cherry red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kapag nalito dahil sa sari-saring kaganapan, maging mapanuri. Ang favor ng Manlilikha ay nasa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 28, 49, 31, 51 at cyan blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 20) Lahat ay magagawa dahil nasa iyo na ang halos lahat ng resources. Ipagpasalamat ito ng lubos. Lucky numbers at color for the day ang 26, 36, 58, 31, 43 at tangerine.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with