Nobyembre 26, 2020

Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Natural ang pagod sa kumakayod, pero huwag sasagad. Alagaan ang kalusugan dahil ito ang yaman na hindi matutumbasan ng kahit magkanong halaga. Lucky numbers at color for the day ang 52, 26, 15, 42, 33 at tangerine.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mag-focus sa iyong gusto at hanapin ang paraan para maisakatuparan ito. Magiging stable ang iyong happiness. Lucky numbers at color for the day ang 51, 36, 13, 43, 22 at vanilla brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Lahat darating sa iyo. ‘Yan ay kung hindi magbabago ang determinasyon mong maabot ang iyong mga pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 15, 55, 42, 25, 33 at marigold yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Patuloy ang connection, feeling happy ka sa lahat ng gawain. Aanihin ito, kaya kung pagod magpa-hinga pero huwag aayaw. Lucky numbers at color for the day ang 35, 42, 12, 21, 53 at ruby red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Mag-focus ka sa iyong meditation dahil may tsansang mangyari ang hinahangad kung hindi magrereklamo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 35, 51, 23, 43 at ultra violet.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mag-meditate para mabawasan ang stress. Maga-grant ang wish na ‘di mo gaanong pansin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 25, 52, 41, 36 at carrot orange.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) Darating ang surprise, may magbabayad sa’yo ng utang. Kung may gumawa sa’yo ng masama, patawarin. Lucky numbers at color for the day ang 52, 25, 44, 41, 11 at cobalt blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Think happy para feel good ang every moment mo. Maging masinop sa kita para may madudukot ka. Lucky numbers at color for the day ang 12, 53, 44, 32, 11 at dollar green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May time ka ngayon para tutukan ang mga gawaing naipon na. Matatapos ito kung hindi makikipagtsismisan. Lucky numbers at color for the day ang 22, 52, 33, 11, 41 at fuchsia pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang minimithing true love ay darating na sa’yo. Naglalandas ang kasalan sa malapit na pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 15, 53, 43, 22, 51, 33 at sky blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Tanggap ka ng mahal mo. Kaya i-release na sa isip ang nakaraan. Be happy and sexy everyday. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 53, 45, 55 at vermillion red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Mag-enjoy sa mga inggit sa iyo. Aamigin mo ang lahat ng tagumpay. Pagbigyan din ang sa-rili na makapag-relax. Lucky numbers at color for the day ang 52, 25, 15, 32, 41 at mint green.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with