Nobyembre 22, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Panatilihin ang saya, pagyamanin kung ano ang me-ron ka sa ngayon at tiyak na lalo kang mage-enjoy. Kontrolin ang emosyon sa taong konsumisyon. Unawa ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 26, 33, 12, 42, 55 at ivory white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Alam mo ngayon na ikaw ang gumagawa ng iyong kapalaran. Sikapin na maging masaya sa anumang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 53, 23, 13, 43, 32 at duhat purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Piliin ang masayang reaction, anuman ang situwasyong kakaharapin, dahil malalampasan ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 41, 23, 32, 51, 11 at sapphire blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Lahat ng taong mami-meet ngayon ay salamin ng iyong katauhan. Ikaw ang pumipili ng iyong reaction. Lucky numbers at color for the day ang 52, 25, 45, 11, 31 at tumeric yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Sikapin na makita ang kabuluhan ng mga gawain at huwag kalimutang magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Lucky numbers at color for the day ang 33, 41, 15, 51, 21 at cherry red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Patuloy ang paglago ng online business. Marami ang magpapasalamat sa’yo. Anong gaan ng pakiramdam mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 25, 52, 13, 43, 31 at sapphire blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Masigla ang lahat ng tanim mo. Kaya naman productive ang buong araw, may extra earnings ka pa. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 22, 55, 45 at mocha brown.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) Magsisipagdatingan ang mga investor. Ang iyong good well ay magkakaroon ng masaganang ani. Lucky numbers at color for the day ang 53, 11, 22, 45, 31 at fuchsia pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Malaking kontrata ang lalagdaan ngayon. Mabibili na ang pinapa-ngarap. Magpasalamat sa Maykapal. Lucky numbers at color for the day ang 51, 33, 23, 11, 43 at cobalt blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ngayon dapat mag-sanitize sa paligid. Mag-spray ng zonrox para mapuksa ang germs. Pairalin ang health protocol. Lucky numbers at color for the day ang 46, 52, 25, 31, 11 at amethyst violet.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Masaya ang takbo ng iyong buhay. Mahalaga na enjoy ka sa iyong ginagawang hakbang. Lahat ng hiling ay matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 52, 23, 32, 11, 42 at mango orange.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Mahal ka ng Maykapal kaya huwag magreklamo. Kung ano ang ibinigay, tanggapin at pagyamanin. Lucky numbers at color for the day ang 35, 22, 11, 55, 45 at ruby red.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with