Oktubre 30, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Masaya ang class reunion ninyo. Iisa ang saloobin ng karamihan, magkaroon ng second chance. May magbubukas na oportunidad na babago sa iyong kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ang 45, 55, 23, 35, 11 at ultra violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mararanasan ang se-rendipity experience. Isang surprise event ang maghahatid ng masaganang buhay. Lucky numbers at color for the day ang  25, 31, 12, 42, 53 at sapphire blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Nag-shopping ka. Pero hindi mo pa talaga nakikita ang inaasam. Darating ang pagkakataon para sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 45, 21, 32, 55, 11 at dollar green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Buuin ang mga pangarap at magkaroon ng kongretong hakbang para maisakatuparan ito. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 34, 51, 42 at mustard yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Merong bagong makikilala sa internet. Mai-in love ka agad sa kanya. Pero isip-isip muna, huwag pabigla-bigla. Lucky numbers at color for the day ang 22, 43, 35, 53, 51 at cyan blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Tanggalin ang pagmumura. Gawin ang pagpuri sa iyong ina na aakit ng masaya at masaganang buhay. Lucky numbers at color for the day ang 23, 12, 26, 52, 41 at dollar green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maaakit mo ang abundant life dahil sa iyong mga pagsisikap. Huwag lang haluan ng panlalamang sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 42, 26, 56, 33, 11 at mango orange.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) Bigyan ng pagkakataon ang nakikiusap. Huwag basta tanggihan ang inaalok, pag-aralan bago magpasiya. Lucky numbers at color for the day ang 52, 15, 43, 33, 13 at ube purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Piliin ang maliwanag na lugar kapag gagamit ng atm. Mainam na hakbang ito para makaiwas  sa hold up. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 22, 55, 41 at ice blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag mapikon sa biro. Madalas ikaw ang nagsisimula sa joke, tapos ang ending, ikaw ang mapipikon. Lucky numbers at color for the day ang 23, 35, 53, 41, 11 at emerald green.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with