^

Bansa

WHO ipinatigil ang HIV drugs sa COVID trials

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
WHO ipinatigil ang HIV drugs sa COVID trials
Ito ay makaraang aminin ng WHO na hindi nagagawang mapaliit ng mga ito ang tsansa na masawi ang mga pasyente na sumasailalim sa trials.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Ipinatigil ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng hydroxychloroquine at ilang anti-HIV drugs sa isinasagawang clinical trials sa pagtuklas ng gamot laban sa COVID-19.

Ito ay makaraang aminin ng WHO na hindi nagagawang mapaliit ng mga ito ang tsansa na masawi ang mga pasyente na sumasailalim sa trials.

Tuloy naman ang paggamit ng WHO ng iba pang gamot na kabilang sa sinusubukan ng mga eksperto kung makagagamot sa coronavirus.

Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na nasa 5,500 pasyente sa 39 bansa ang lumahok sa clinical trials.  Nakatakdang lumabas ang paunang resulta nito sa loob ng dalawang linggo.

Ang desisyon ng WHO ay matapos na makapagtala ng pinakamalaking bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo na uma­bot sa 212,326 sa isang araw lamang. Pinakamataas dito ang nagmula sa US na may 52,213 bagong kaso.

Nagpaalala naman si Mike Ryen, emergency expert ng WHO, na huwag munang umasa na magkakaroon na ng bakuna laban sa virus.  Kung matutuklasan ito sa katapusan ng taon, hindi naman agad matitiyak kung kailan magkakaroon ng mass production para sa lahat ng bansa.

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with