Hunyo 1, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2020 - 12:00am

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Umulan man o umaraw, hindi magbabago ang damdamin ng minamahal para sa’yo. Huwag lang maging abusado at baka biglang mauntog ang ulo niya at matauhan. Lucky numbers at color for the day ang 4,17, 25, 30 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung may pag-aalinla­ngan, huwag gawin. Pag-aralan muna ang mga bagay-bagay bago isuong ang sarili. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 23, 29 at sky blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ngayon ang pagkakataon mo na ipakita sa lahat ang kanilang maling akala tungkol sa’yo. Ngunit manatiling humble. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 28 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Triplihin ang pag-iingat sa kalusugan. Kung balak magbyahe, dalhin lang ang kailangan. Maging magalang sa mga checkpoint. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 19, 25 at white.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Paglabanan ang udyok ng bisyo, kung ayaw mong mauwi sa tag-tuyo ang bulsa mo. Pigilan ang bibig sa pagsasalita ng walang katuturan. Lucky numbesr at color for the day ang 6, 14, 24, 29 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magpakatatag dahil tapat ang pangako ng Maykapal. Ang papasok sa tenga kung ‘di kaaya-aya ay ilabas lang sa kabila. Lucky numbers at color for the day ang 7, 9, 12, 23 at maroon.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang desisyon ngayon ay makakaapekto ng malaki sa kinabukasang dara­ting, kaya taglayin ang karunungan sa tuwina. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 20, 30 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi lahat ng magsasalita ay dapat pakinggan. Ma­ging matalino at maagap sa pagpapasiya. Lalo na sa panahon ngayon.Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 17, 26 at royal blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag balewalain ang paalala ng isang kapamil­ya, dahil pinagmamalasakitan ka niya. Magtiwala sa pagmamahal nila sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 19, 29 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Paglabanan ang udyok ng paggatos sa mga bagay na hindi naman kailangan. Pagtitipid ang nararapat gawin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 15, 30 at violet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Iiral ang iritasyon dulot ng matinding pagpapawis. Dalasan ang pagligo at magiging komportable. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 24, 27 at golden yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Walang dapat ikahiya sa katotohanan. Manatiling tapat at magsikap para ikaw ay umangat. Huwag intindihin ang mga ma­panadya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 18, 27 at fuchsia.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with