Mayo 28, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2020 - 12:00am

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magiging mahina ang tiyan lalo na sa prose­so ng panunaw. Mag-ingat sa kinakain para walang maging problema. Ingatan din ang iyong mga ideya, dahil may taong nagbabalak ng hindi maganda rito. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 23, 41 at maroon.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maaliwalas ang panahon ngayon. Walang magi­ging problema sa trabaho at maging sa tahanan. Huwag kalimutan ang magdasal. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 29, 33 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22)  Dakila ang puso sa ha­ngarin na makatulong. Isang magandang aral ang dapat simulan at paghandaan kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 31, 40 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mabuti kang tao, mabait, matulungin at mahusay makisama. Pero huwag magtiwala dahil may iilan na gusto kang ilaglag. Lucky numbers at color for the day ang 8, 15, 39, 43 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23)  Nang dahil sa rami ng trabaho, masakit ang ulo o katawan. Bigyan ng panahon ang sarili na makapagpahinga. Lucky numbers at color for the day ang 13, 14, 26, 37 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22)  Huwag maliitin ang gawa ng iba dahil may mga bagay na kaya nila, na hindi mo kaya. Maging responsable. Piliin ang tama. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 36, 38 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21)  Huwag magsisi kung may nagawang mali. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating nang kusa ang solusyon sa tamang oras o panahon. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at fuchsia .

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat-aka­lain. Isang dating insidente o magkahalintulad ang mauulit nang hindi sinasadya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at orange.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang angking ESP. Huwag patulan ang mang-aasar o makulit. Maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Lakasan ang loob sa mangyayari. Kung baon sa utang ang buhay sa nakalipas, makakaranas ng ginhawa sa pinansiyal ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sa bawat tao, normal ang mayroong problema. Ang hindi normal ay maging emosyonal at makasarili para tapusin ang sariling buhay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 39, 42 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20)  Mas matimbang ang kadugo kaysa kakilala o ibang tao. Mag-ingat sa iyong lalakarin dahil baka mapahamak ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 29, 38 at avocado green.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with