^

Kutob

Mayo 27, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun. 21)  Mahihirapan kang makitungo sa mga taong nakapaligid pero magiging masaya sa gawaing inaatas sa iyo. Huwag pansinin ang mapanadya. Kung may inaasahan, hindi ka mabibigo. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 26, 41 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) May nakaabang na pa­nganib sa relasyon. Para maiwasan, huwag munang makipag-ugnayan sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 18, 20, 26, 33 at indigo.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22)  Huwag biguin ang alok ng kaibigan, kapamilya o kasosyo dahil may mapapala ka rito. Maliban lang kung labag sa batas ng tao. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 36, 39 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23)  Hindi mapipigilan ang tukso o mapanadya na darating. Pero kung gagamitin ng tama ang isip at magiging wais, malalampasan ito. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 33, 39 at green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23)  Mababakas ang labis na kalungkutan sa iyong mukha. Pag-aralan ng mabuti ang sariling damdamin at ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 18, 2, 25, 36 at beige.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22)  Dahil sa kakapusan, magiging sensitibo ka sa bagay na may kinalaman sa pinansiyal. Magsikap at huwag umasa sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 36, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21)  Pag-isipan muna ng mabuti ang dapat at hindi dapat galawin o gawin. Iwasan ang magpadalos-dalos sa pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 34, 38 at violet.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19)  Kung may suliranin tungkol sa pag-ibig, madaling makakahagilap ng tamang solusyon. Huwag ma­ging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 35, 41 at magenta.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Susumpungin ka ngayon. Tatamarin o madaling mag-iinit ang ulo. Upang maiwasan, mag-ehersisyo. Alagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 38, 42 at fuchsia.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  Huwag kang masyadong magtiwala sa mga kasamahan sa trabaho. May panahon ka pang ma­kabawi. Magtiwala sa Maykapal. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 33, 41 at brown.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19)  Pag-aralan ng mabuti ang damdamin tungkol sa kanya. Tandaan na ang biglaang desisyon, kapahamakan ang dulot. Lucky numbers at color for the day ang 15, 29, 32, 41 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20)  Kailangan mo ngayon ang tulong ng iba sa iyong problema. Ang tamang suhestiyon ang siyang makakalutas ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 9, 29, 40 at lavender.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with