^

Kutob

Mayo 25, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magiging maayos ang pakikitungo mo sa karamihan at lalong makakaakit ng mga bagong kaibigan. Ang problema tungkol sa pag-ibig ay magagawan ng mga paraan, kaya relax ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Isang kamag-anak o kaibigan ang hihiram ng pera. Magpakatotoo, wala ka naman magagawa kung ikaw rin ay nangangaila­ngan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22)  May posibilidad na magtagumpay ang iyong nila­lakad. Kung gagamitin ang talino at lakas ng loob, tiyak mas malayo pa ang iyong mararating. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23)  Huwag magmayabang at lalong huwag isipin na mas magaling ka kaysa sa kanya. Alalahanin na may kaya siyang gawin na hindi mo kaya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Taglay mo ang kakayahan sa lahat ng bagay. Ma­lakas ang iyong perso­nalidad at mapapasunod mo ang iyong mga kasambahay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Malamang pansamantalang magkakalayo kayo ng iyong minamahal. Walang dapat ikatakot o ikalungkot dahil pansamantala lamang ito. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21)  Huwag kang papayag sa baluktot na pagpapasiya ng ilan sa mga kasamahan. Magsiyasat at kumpirmahin bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19)  Kung may negosyo, makapaglalakbay, mag-­ingat lang dahil sa sadyang­ may taong magdudulot ng pagkasira ng iyong mga plano. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18)  Marami kang plano pero kulang ka sa aksiyon at implementasyon. Kumilos ka ngayon para matupad ang mga balak mo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  Kung hindi lulubayan ang walang humpay na pagsisikap, kaginhawaan ang dulot nito sa sarili at pamil­ya. Magpasalamat sa Maykapal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 38 at brown.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19)  Iwasan ang masamang bisyo. Bukod sa magiging gipit sa pera, malimit na away pa ang mapapala. Sundin ang mabuting payo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20)  Ang pag-ibig ay parang hangin na hindi mo nakikita, ngunit nararamdaman. Kaya ipakita at iparamdam ito sa iyong minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.

 

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with