^

Kutob

Mayo 24, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun. 21)  Ang pag-iingat ay dapat laging isipin sa lahat ng bagay lalo na sa gawain. Huwag nang lumayo ng paningin dahil ang hinahanap ay nasa paligid lamang. Inaayunan ng panahon ang pagsisi­mula ng bagong gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 21, 28 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22)  Sa lakas ng iyong ESP, ngayon pakinggan ng mabuti ang kutob para hindi magkamali sa pagdedesisyon. Maging positi­bo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 24, 35 at avocado green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22)  Alamin ang bawat detalye sa landas na tinatahak upang hindi maligaw o mawala. Magandang balita dahil isang bagong pag-ibig ang sisibol. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 23, 28 at cherry red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magandang impormasyon ang matatanggap tungkol sa matagal nang gustong malaman. Ang tunay na pag-ibig ay ipinapakita sa kilos at gawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 28, 40 at violet.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23)  Matatapos ng maayos ang mga gawaing nasimulan. Huwag agad magbibigay ng reaksyon sa anumang mangyayari, pag-isipan itong mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 16, 32 at mint green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22)  Isang lihim ang hindi mo sinasadyang matuklasan. May palatandaang patungo sa katuparan ang hina­hangad. Matutong magtiwala. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 25, 33 at peach.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang marunong magpahalaga sa tungkulin ay may kaunlaran sa buhay. Malulutas ang matagal nang gumugulo sa’yo na  suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 16, 29 citrine yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang panahon ay ginto, ika nga. Kaya kilos kaagad para sa katuparan ng iyong ideya. Huwag nang ipagpabukas ang magagawa ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 32, 41 at garnet red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18)  Ngayon mo dapat iwasan ang anumang paanyaya. Kailangan ang disiplina sa sarili upang makamit ang iyong mga minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 26, 36 at pearl pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung anuman ang hinihintay, huwag nang asahan dahil malabong darating. Iwasan ang magalit na siyang maaaring ikataas ng presyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 15, 24 at honey yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19)  Masama ang mangyayari dahil may mga taong sasalungat sa iyong mga binabalak, kaya gamitin ang mabilis na pag-iisip, manindigan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 32, 41 at silver.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20)  Good news dahil ang hindi inaasahang pangyayari ay magbibigay sigla sa pag-ibig at sa trabaho. Magiging masigla sa buong araw. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 23, 33 at dirty white.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with