Mayo 23, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

GEMINI: (May.21-Hun. 21)  Iwasang matali ang sarili sa mahigpit na pangako dahil hindi makakatupad. Bigyang halaga ang katuwiran at panig ng iba. Mas gugustuhing pu­mirmi sa bahay kaysa mamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 16, 33 at aqua blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22)  Nakasentro ang pangyayari sa personal na gawain. Matutupad ang matagal nang naipa­ngako sa iyong kaibigan o kaanak. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 24, 36 at royal blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22)  May pagsubok na dara­ting, kailangan ang talino at pag-iingat mula sa nakakataas para makaungos. Maayos ang takbo ng mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 24, 42 at violet.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23)  Ang transaksyon ay mabubuo. Iwasan ang mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan dahil hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 27, 35, 39 at blue gray.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang maging emosyonal ay dapat iwasan, sapagkat sisirain ang maganda mong araw. Maging mahinahon at mapagpasensya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 27, 40 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kadalasan sa pagmamadali ay nagkakamali. Kung sisimulan ang pagtuwid sa masamang ugali, magbabago ang takbo ng buhay tungo sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 37, 41 at peach.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21)  Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Ang gawain sa loob at labas ng tahanan ay matatapos nang walang hadlang. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19)  Maghanda sa hindi magandang pangyayari. Alamin muna ang puno’t dulo bago magkomento. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 26, 39 at lavender.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18)  Dahil sa mga obligasyon, pangunahing suliranin ang pera. Ngayon mapapatunayan kung sino ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 23, 30, 41 at light green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mapagtutuunan ng pansin ang mga kasamahan sa trabaho o tahanan. Mag-ingat sa kilos at pananalita para hindi makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 35, 38 at gray.

 

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung may gustong sabihin, huwag patagalin dahil magbibigay ito ng suliranin sa kalaunan. Huwag magsinungaling. Lucky numbers at color for the day ang 8, 31, 37, 40 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Tanggapin ang pagkakamali at humingi ng tawad. Maganda ang pagkakata­on para maisakatuparan ang matagal nang hinaha­ngad. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 39 at jade green.

 

 

 

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with