Abril 6, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2020 - 12:00am

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Hindi sinasadyang may matutuklasang lihim, kung nakakatuwa o nakakalungkot panahon ang makapagsasabi. Iwasan ang masakit na biruan para hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa kasamaan ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Huwag munang paunlakan ang anyaya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 24, 35 at pearl pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Sa tiyaga at sipag, tagumpay ang makakamit. Sa mga tamad, kahirapan. Kung gustong umangat sa kahirapan, dobleng sipag at tiyaga ang gawin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 26, 36 at oak brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22)  Sa mga naga-apply ng trabaho lalo na patungong abroad, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Gawin pagkatapos ng lockdown. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 21, 36 at yellow green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May kalutasan ang matagal nang gumugulo sa isipan. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ang magliligtas sa marami. Mag-focus. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 28, 36 at avocado green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23)  Sa gawa at wala sa salita  ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbigay ng bulaklak o chocolate, huwag ng pakawalan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 27, 35 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23)  Matatanggap ang gantimpala sa pagsunod ng payo ng magulang o guro. Kung nag-aral pa rin kahit naka-quarantine, gantimpala ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 26, 38 at lemon green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung hangad ang magandang kinabukasan, magsikap sa pag-aaral. Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Ikaw ang gagawa ng iyong future. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 23, 33 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21)  Mag-ingat dahil magiging malapit sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ito kung hindi basta magdedesisyon ng walang masusing pag-aaral. Lucky numbers at color for the day ang 16, 29, 36, 37 at sun yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magi­ging sagabal at tiyak na matatapos ang gawain. Magpasalamat sa Maykapal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 16, 32 at mint green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18)  Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan kung manga­ngailangan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 44 at metallic gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  Walang maaasahang tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka nga­yon. Huwag mawalan ng pag-asa sumasaiyo ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 23, 42 at garnet red.

 

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with