Abril 4, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maganda ang isipan para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makadaragdag ng kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 33, 34 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat na pagdesisyunan ay pag-isipan muna ang kahihinatnan. Sa online lang muna mag-apply ng trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 42 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera upang hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 37 at sky blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) May pagkakataon na mabalikan ang mga nakalipas na naiwan ng magandang leksiyon sa’yo Maging maunlad kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 40, 41 at neon green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Pairalin ang hinahon at pang-unawa dahil magi­ging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang pagpapasensya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 32, 33 at red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang maliit na suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain.  mag-focus sa trabaho. Isang lihim ang matutuklasan na dapat pag-isipan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 39, 41 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapikon. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon. Matutong magtimpi. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap upang mapakinggan ang iyong hinaing. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 38 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Manatili sa loob ng bahay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 39 at indigo.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Tanggapin ang pagkamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa pag­lilibang. Lucky number at color for the day ang 2, 17, 23, 40 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Capricorn ang makikilala ngayon, tiyak magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at tangerine.

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with