Abril 3, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2020 - 12:00am

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magi­ging mainit sa pag-ibig. Pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikakaligaya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho o makakarinig ng hindi maganda. Maipapakita ang kaalaman at husay na hahanga­an ng kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kakapusan ang suliranin subalit kung pagsisikapan matutugunan ng kaibigan o ng kamag-anak. Gaano man kasakit sa kalooban, paglabanan ang gustong bilhin. Lucky  numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Malaki ang kikitain kung freelancer online. Kung ano ang swerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mangyayari sa pag-ibig. Huwag makipag-date para hindi madampot ng pulis. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magpakahinahon, timba­ngin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol upang hindi magkamali o makasakit ng damdamin. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang tsismis. Iwasan ang hindi inaasahang pa­nauhin dahil may dalang balita na makapagpapainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang paunlakan o maibigay. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang gawain na hindi napapansin noon ay matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 12, 27 at beige.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May gantimpalang naghihintay sa pagbibigay ng abuloy sa tamang tao. Ang serbis­yong sibiko ay magiging pa­ngunahin kung mapaglalaanan ng panahon ay maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 28, 38 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang makipagkaisa sa mga kasamahan at kaibigan ay tawag ng pagkakataon. Ang suliranin ay madaling mahahanapan ng solus­yon. Malatinik naman na mabubunot ang pangamba. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Pero tanggihan muna kung may paanyaya. Sumunod sa gobyerno para sa ikakabuti ng lahat. Manatili sa bahay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao upang malayo sa gulo. Lucky number at colors for the day ang 6, 19, 25, 30 at forest green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang. Harapin nang buong tatag at may pananagutan ang anumang desisyong ginawa, maging tama o mali. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with