Abril 2, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magiging masaya ang umaga. Ang matagal nang balak ay maisasakatuparan. Suportado ka ng pamilya kaya huwag mag-alala. Tanggapin ang tulong ng kaibi­gang nagmamalasakit sa’yo ng tapat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 26, 41 at white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Masaya ang minamahal dahil sa naging mapagparaya ka at hindi naging makasarili. Huwag ma­ngamba dahil ang lahat ng ito ay kanyang nakikita at nadarama. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 24, 39 at light blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Sa bawat araw na nagdaraan nakakaramdam ka ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ngayon ang tamang panahon upang isakatuparan ang mga plano mo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 21, 38, 40 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. Huwag mag-alala dahil ang pinag-uukulan ng pagmamahal ay sadyang hindi bagay sa’yo at pagsisisihan kung makatuluyan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 21, 37 at gray.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag mainis kung magiging makulit ang mga taong nakapaligid sa’yo. Nais lang nilang may patutunguhang maganda ang iyong mga pinaghirapan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 39, 40 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang. Lalo lamang makakasama sa binabalak ang desisyon na walang katuturan. Ipagbigay sa mahal sa buhay ang naiisip. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 26, 38 at lilac.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging masaya ang susunod na mga araw, ngunit ngayon ay matamlay ka. Kung pag-ibig ang problema, huwag dibdibin. Dahil selos lamang na walang katuturan ito. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 34, 41 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Mali ang akala ng lahat na hindi dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa’yo. Huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang sama ng loob. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 35, 42 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Problemado man, makikilala naman ang tunay na mga kaibigan. Ang mga bagay na ito ay sapat na upang maging magaan ang susunod pang mga pagsubok. Lucky numbers at color for the day ang 1, 18, 24, 38 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mag-ingat sa mga salita ng hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang mga pangyayari dahil makakabawi ka rin sa ibang paraan. Lawakan ang pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 26, 39 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Pagbigyan ang kahili­ngan nang nakakarami. Upang hindi magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, mag-iiba ang pananaw ng kasintahan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang maging agresibo, dahil sa halip na mapapalapit ang loob ng minamahal ay lalo itong mawawalan ng tiwala kung magiging mapusok. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 22, 38 at red.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with