^

Kutob

Abril 1, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Walang nakakatiyak sa takbo ng panahon at ang tanging matibay na gabay sa bawat araw ay ang taimtim na panala­ngin. Huwag ibigay ang lubos na tiwala lalo na sa hindi gaanong kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 7, 13, 37, 40 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Isang Leo o Libra ang makakapagbigay ng tulong o payo kung magulo ang isip dahil sa problema sa pag-ibig, pinansyal, trabaho o ibang bagay. Maging seryoso sa pagharap ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 22, 29, 33 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Malaking bagay ang magagawa kung pagla­labanan ang katamaran. Huwag asahan ang tulong ng iba sa kailangan. Matutong magkusa sa mga bagay-bagay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 22, 37, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Nasa tamang landas ang kaunlaran kaya huwag iwanan ang sinimulan. Hangad ang tagumpay kaya dagdagan ang sipag at tiyaga. Anumang hadlang, huwag pansinin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 14, 34 at violet..

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May mga problemang darating. Kung hindi magpapadala sa pagka-emos­yonal, madaling makaka­hanap ng solusyon. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 27, 41 at cream.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Harapin ang katotohanan at hanapin ang mga paraan ng pagbabago o pagtutuwid upang hindi na maulit. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang sitwasyon sa kasalukuyan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 19, 24 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mabisa ang iyong pamamagitan sa alinmang bagay, lalo na kung may hindi nagkakaunawaan tungkol sa pag-ibig. Maaaring ikaw ang maging tulay sa pagkakabati ng nag-away. Lucky numbers at color for the day ang 13, 32, 35, 37 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Nasa pagitan ka ng tama at mali. Ang mga bagay na naisip ngayon ay dapat pag-aralan ng mabuti. Kung may duda, huwag ituloy dahil magsisisi sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 38, 39 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Walang magiging problema tungkol sa trabaho at maging sa tahanan maging sa pag-ibig. Matiwasay at maaliwalas ang buong araw. Bagay ang self-relaxation. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 30, 38 at aquamarine.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Malaki ang epekto ng mga tao sa paligid. May makakatulong, may makakapagbigay ng hinanakit at palaisipan, tuwa at galak. Tanggapin ng maluwag ang darating. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 34, 36 at fuchsia.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang bawat pangyayari ay may dahilan. Upang hindi ka makapagdahilan kung bakit nahuli sa pagpasok, maging maagap sa takdang oras. Huwag unahin ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 18, 41 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung pag-ibig o pinansyal ang gumugulo sa isip, iisantabi muna at harapin ang mga dapat gawin. Wala kang mahahagilap na tamang solusyon dito. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 39, 41 at ocean blue.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with